Quezon Medical Center nakatanggap ng washing machine mula SteelAsia — LCH NEWS
- Local Channel Quezon
- Jul 2, 2020
- 1 min read
LUCENA CITY — Malugod na tinanggap ng pamahalaang panlalawigan ang ipinagkaloob na 6 units ng heavy duty washing machine para sa Quezon Medical Center mula sa SteelAsia Manufacturing Corporation sa pamamagitan nina Mr. Melvin Buela at Mr. Jeremiah Jimenez. Lubos naman ang pasasalamat ng ama ng lalawigan, Gov. Danilo Suarez, Chief of Hospital Rolando Padre at mga puno ng tanggapan para sa patuloy na suporta ng korporasyon isa sa katuwang sa kabuhayan at pag-unlad panlalawigan
Photo Coutesy: Quezon PIO
Commentaires