top of page

New Normal Divider Jeepneys sa Gumaca, Ipinasilip — LCH NEWS

  • Writer: Local Channel Quezon
    Local Channel Quezon
  • Jul 9, 2020
  • 1 min read

GUMACA, QUEZON — Ligtas na Pagbiyahe sa mga Jeepney sa Bayan ng Gumaca

Sa pagluwag ng ating paggalaw sa ilalim ng Modified General Community Quarantine, marapat na mas lalong pag-ibayuhin ang pag-iingat upang makaiwas sa pagkahawa sa coronavirus.

Labis na nagpapasalamat ang Kuya ng Bayan at buong Sangguniang Bayan sa ating mga kababayan sa pagsunod sa ating Minimum Public Health Protocols. Makikita sa mga larawan ang mga partitions o mga harang sa loob ng mga publikong sasakyan kung saan 50% ng seating capacity lamang ang pinapayagan.

Ang pagsunod sa #newnormal o mga pagbabagong ito sa ating buhay ay ating sandata upang mapanatiling ligtas ang ating komunidad.



 
 
 

Comments


bottom of page