Mahigit 309k na mga 4Ps ang nakatanggap na ng 2nd Tranche ng SAP — LCH NEWS
- Local Channel Quezon
- Jul 11, 2020
- 1 min read
CALABARZON — Mayroong 309,475 na mga Pantawid Pamilya beneficiaries ang nakatanggap na ng 2nd tranche ng cash subsidy sa ilalim ng SAP. Ang mga pamilyang ito ay nakatanggap ng PhP5,150 na dagdag na ayuda sa PhP1,350 na kanilang regular na natatanggap (health at rice subsidy) mula sa programa. Kasama sa bilang na ito ay 535 Pantawid beneficiaries na natanggap ang ayuda sa pamamagitan ng direct cash distribution. Ang karamihan naman ay diretsong natanggap ang ayuda sa kanilang mga cash cards. *** Ang distribusyon ng 2nd tranche para sa mga non-Pantawid beneficiaries ay kasalukuyang hinahanda na ang schedule.
Comentários