top of page

Lucena City, muling maghihigpit sa mga borders - LCH NEWS

  • Writer: Local Channel Quezon
    Local Channel Quezon
  • Aug 6, 2020
  • 1 min read

LUCENA CITY--- Simula August 6, 2020, muling ipapatupad ng Lucena PNP ang Quarantine Checkpoints sa mga pangunahing Entry at Exit points ng Lungsod. Ito ang ipinababatid ng hepe ng pulisya na si Col. Romulo Ngob Aecabla Albacea.


KAALINSABAY nito ang pagbabalik din ng regulasyon sa pagpasok ng mga behikulo mula sa apat na distrito kung saan ay ipapatupad ang dating pinaiiral na alituntunin kung saan ang mga taga FIRST at SECOND DISTRICTS ay pahihintulutang pumasok tuwing mga araw ng MARTES at HUWEBES samantalang ang mga taga THIRD at FOURTH DISTRICTS naman ay para sa mga araw ng MIYERKOLES at BIYERNES.

MAHIGPIT ding ipatutupad ang One (1) per household na lalabas ng kanilang mga tahanan para tumugon sa mga essentials.

BILANG paglilinaw ay sinabi ni Col. Albacea na hindi ito LOCKDOWN. Pangunahing layunin lamang umano nito ay upang limitahan ang movement ng mga taong pumapasok at gumagala lalo na sa poblacion ng Lucena at sa mga pangunahing establisyemento.

ITO ay bilang maagang pagkilos na rin ng Lungsod sa kapahintulutan ni Mayor Roderick Dondon Alcala sa kadahilanang patuloy na tumataas ang bilang ng mga kaso ng CoViD-19 cases hindi lang sa Lungsod ng Lucena kundi manapa'y sa buong probinsya. Ito ang naging pahayag ng isang post sa Lucena PIO kasabay sa pagpapatupad ng mas mahigpit na paggalaw ng mga tao sa lungsod at iba pang lugar papasok ng Lucena.


SOURCE: Lucena PIO

August 5, 2020

ree


Comments


bottom of page