top of page

Isasailalim sa Lockdown ang 9 na Barangay sa Guinayangan — LCH NEWS

  • Writer: Local Channel Quezon
    Local Channel Quezon
  • Jul 21, 2020
  • 1 min read

GUINAYANGAN, QUEZON — Isasailalim sa 10 araw na lockdown ang siyam na barangay sa Guinayangan, Quezon dahil sa biglang pagdami ng kaso ng COVID-19.

Ang mga lugar na inanunsyo ni Mayor Boyboy Isaac na sasailalim sa lockdown simula Hulyo 20 hanggang 31 ay ang mga barangay ng Aloneros, Tikay, Dandan Reserva, Dandan Batis, Dandan Central, Bukal Maligaya at Gapas. Isinaalalim din ng alkalde ang mga barangay ng Sta. Maria at Mabini dahil sa mga probable cases na naitala.



Commenti


bottom of page