Influenza Vaccine Immunization sa Quezon Convention, Isinagawa - LCH NEWS
- Local Channel Quezon
- Aug 13, 2020
- 1 min read
AUGUST 13, 2020
Upang masiguro ang kalusugan ng mga kawaning naglilingkod para sa ating mga kababayan isinagawa ngayong umaga sa Quezon Convention Center ang Influenza Vaccine Immunization para sa mga empleyado pamahalaang panlungsod ng Lucena at mga barangay official sa lungsod. Ito ay sa pagtutulungang ng Department of Health, pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Gov. Danilo E. Suarez at ng pamahalaang panlungsod ng Lucena na pinamumunuan ni Mayor Roderick Alcala. Source: Quezon PIO

PHOTO: QUEZON PUBLIC INFORMATION OFFICE | FLU VACCINATION
Comments