top of page

[BREAKING] Isang Sitio ng Brgy. Lusacan, Tiaong, Isasailalim sa TOTAL LOCKDOWN

  • Writer: Local Channel Quezon
    Local Channel Quezon
  • Jul 2, 2020
  • 1 min read

TIAONG, QUEZON — Ito ang pahayag sa post ni JP Presa, Isa lamang pong pagbibigay kaalaman lalong lalo na sa mga residente ng Barangay Lusacan, hindi naman po lingid sa kaalaman ng lahat ngunit magkakaroon po tayo ng pagbabalik ng mga alintuntunin o kautusan, Napagpasyahan po ng Sangguniang Barangay Lusacan, na ang Sitio Daang Bakal ay sasailalim sa Total Lockdown, na ibig sabihin ay lahat ng establisyemento sa Barangay Lusacan ay mananatiling sarado. Pakikiisa ng bawat mamayanan ang kailangan maraming salamat po. Magtatagal ng labingapat (14) na araw ang Total Lockdown. Habang isinasagawa ang contact tracing kadahilanang nagkaroon ng bagong kaso ng COVID - 19 sa Barangay Lusacan, Sitio Daang Bakal.

Para sa mga residente ng Barangay Lusacan, pamula po bukas July 3, 2020, sasailalim muli sa WINDOW HOURS pamula sa oras na 6:00 am to 12:00 noon, at CURFEW HOURS pamula sa oras na 12:01 pm to 5:59am.

‼️Ang maari lamang pong makapamili sa pamilihan ng Barangay Lusacan, ay tanging mga residente lamang po ng nabanggit na barangay. ‼️

Mga ka Barangay, itong paalala pong ito ay para sa atin, wag po tayong mabahala dahil kaagapay po lagi ang Pamahalaang Bayan ng Tiaong sa pagpapatupad at pag tulong sa mga maapektuhan ng pandemyang ito, Nawa po ay lawakan natin ang ating pang-unawa, dahil tayo rin po ang mag-iingat para sa ating mga sarili. Hindi po natin kita ang kalaban nating virus kaya't hanggat maari po ay ugaliing maging malinis sa ating mga pangangatawan. Hindi po ibig sabihin tayo ay under Modified General Community Quarantine (MGCQ) ay wala na pong pandemyang nananalasa.

Mag iingat parin po & God bless us all.




 
 
 

Commenti


bottom of page